Una sa Balita

17-anyos suspek sa dalagitang binalatan ‘di pa lusot

By
0 316

HINDI pa lusot sa kaso ang 17-anyos­ na binatilyo na suspek sa brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ito ang nilinaw ni Philippine National Police Chief Police General­ Oscar Albayalde matapos na iniutos ng piskal na pakawalan ang suspek dahil wala umanong warrant of arrest nang dakpin ito ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation.

Giit pa ni Albayalde, nanana­tiling suspek sa krimen ang ex-boyfriend umano ng biktima at maaari parin aniya itong arestuhin kapag may warrant of arrest na mula sa korte.

“Hindi porke na-release ‘yan ng husgado eh he is already off the hook na, ang sinasabi lang ay hindi na siya pwedeng arestuhin that time dahil it doesn’t fall with warrantless arrest and it doesn’t fall with hot persuit,” paliwanag ni Albayalde.

Matatandaan na natunton ng NBI ang suspek matapos nilang ma-trace ang mga mensahe nito sa biktima, at makilala sa pamamagitan ng CCTV footage na nagpapakita na siya ang huling kasama ng biktima bago ito pinatay.
Ayon kay Albayalde, nakatutok parin ang PNP sa kaso at kikilos ng naaayon sa ligal na proseso. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy