Una sa Balita

17-anyos na pusher huli sa pagpatay sa tanod

By
0 260

NAKAKUMPISKA ng 17 sachet ng shabu na may street value na P40,000 at isang .45 kalibreng baril sa isang menor de edad sa isinagawang ope­rasyon, kamakalawa nang gabi sa may Kagandahan St., Tondo, Maynila.

Nasa kustodya ng Manila Police District-Police Station 7 (MPD-PS7) ang suspek nakilalang si Albert, ‘di tunay na pangalan at taga-780 Kagandahan St., Tondo.

Ayon sa MPD-PS7, dakong alas-sais nang gabi nang maaresto ang suspek matapos makatanggap ng impormas­yon ang pulisya na nasa lugar ang biktima at armado ng baril.

Kaagad umanong ru­mesponde sina P/Insp. Ness Vargas na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.
Nang kapkapan dito na nakuha ang mga shabu at baril.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Sec.11 ng Republic Act 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at paglabag sa RA, 10591 kilala bilang Illegal Possession of Firearms ang sa Manila Prosecutors Office.

Natuklasan din na may nakabinbing kasong murder laban sa suspek dahil sa pamamaril at pagpatay sa barangay tanod na si Jose Ramil Ceorres, noong Hunyo 28, sa Juan Luna Street, sa Tondo.

Gayunman, hindi na­niniwala ang ama ng suspek, na ang anak niya ang pumatay sa biktima dahil magkaiba umano ang body built ng suspek na nakuhanan sa CCTV footage, kumpara sa kanyang anak, at hindi rin marunong mag-motorsiklo ang kanyang anak.

Nalaman na nasa drug watch list din ang suspek, na dati umanong hitman at runner ng isang kilalang drug pushe­r sa kanilang lugar, na ngayon ay detenido na.