Una sa Balita

17-anyos binitbit ng ina sa presinto

0 346

Mismong ang ina ng 17-anyos na binatilyo ang nagdala sa kanya sa presinto nang ireklamo ito ng pagnanakaw ng bag na may lamang pera ng kanilang kapitbahay sa Dasmariñas City, Cavite.

Nasa kostudiya ng City Social Welfare Development ang suspek na si alyas ‘Rey’ ng Barangay Salawag dahil sa reklamo ng 61-anyos nitong kapitbahay.

Ala-una kamakalawa nang hapon nang napansin ng biktima na nawawala ang kanyang shoulder bag na nagla­laman ng P4,000 cash at iba pang gamit na nakalagay lamang sa upuan ng kanilang bahay.

Nagsumbong ito sa kanilang barangay at pinanood ang CCTV ng kanilang kapitbahay kung saan nakita at nakilala ang biktima na siyang pumasok at lumabas sa kanilang bahay dahilan kaya ipinaalam ito sa magulang ng bata.

Hindi naman kinunsinti ng ina ang binatilyo at isinuko ito kung saan isinauli ang shoulder bag ng biktima su­balit halagang P1,770 na lamang ang naibalik.

Kasong theft ang isinampa laban sa menor de edad na binatilyo. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy