Una sa Balita

168 drug suspects sa MM, bumulagta

By
0 134

Umabot na sa kabuuang 168 drug suspects ang nasawi simula noong nakaraang buwan.

Ayon ito sa pinakahu­ling ulat National Capi­tal Region Police Office (NCRPO).

Saklaw sa naturang ulat ang mula Hunyo 1 hanggang Agosto 7 sa buong limang police district sa Metro Manila.

Sa kabuuang bilang, 66 drug personalities ay napatay ng Manila Police District (MPD) sa nabanggit na panahon.

Lumitaw na ang MPD ay may mataas na bilang pagdating sa mga nasa­wing drug suspects, na sinundan ng Northern Police District (NPD) na may 37, Quezon City Police District (QCPD) 29, Southern Police District (SPD)  20 at  Eastern Police District (EPD) na may 16 nasawing drug suspects.

Bukod dito, umabot naman sa kabuuang 1,365 drug suspects ang naaresto sa kahalintulad ring panahon.

Nakakumpiska rin ang NCRPO ng kabuuang 305 kilograms ng shabu, 12 tablet ng ecstasy, 61 valiu­m tablets at 500 milliliter ng ketamine.

Kasabay nito, tiniya­k naman ng NCRPO na iniimbestigahan nila ang kabuuang 86 pagpatay sa mga drug suspect sa rehiyon.

Ang MPD ang lumitaw na nakapagtala ng maraming bilang ng mga drug suspect na sinalvage na may 27 biktima na sinundan naman ng NPD na may 25 biktima.

Bukod ito, nakakumpiska rin ang mga operatiba ng 110 firearms, 31 bladed wea­pons at anim na granada sa naturang anti-drugs o­perations.

Samantala, sa ulat pa rin ng NCRPO, umabot na  22,826 drug users ang kanilang nakumbinsi na kusang sumailalim sa rehabilitation habang 2,485 drug pushers ang sumuko sa ilalim ng Oplan Tokhang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy