Una sa Balita

16 toneladang cocaine nasamsam sa US

0 317

UMAABOT sa 16 toneladang cocaine na nagkakahalaga ng $1 bilyon ang nasabat ng mga awtoridad sa Philadelphia port sa Estados Unidos.

Ang nakumpiskang mga cocaine na naitalang pinakamara­ming nasamsam sa Philadelphia ay nakalagak sa pitong container na lulan ng MSC Gayane cargo ship at patungo sana sa Europe.

Nauna rito ay may 1.5 toneladang cocaine ang nasabat din noong Marso naman sa mga Port sa New York.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy