Una sa Balita

16 patay sa sunog

By
0 96

Umabot na sa 16 ang bilang ng mga nasasawing migrant workers dahil sa sunog na sumiklab sa isang warehouse sa Moscow.

Ayon sa ulat ng AFP, sinabi ni Moscow branch emergency ministry head Ilya Denisov, ang mga biktima ng sunog ay migrant workers mula sa Kyrgyzstan.

Base sa ulat, pag-aari umano ng isang local printing company ang nasunog na apat na palapag na gusali.

Posibleng ang nabasag na ilaw sa silid na naglalaman ng flammable liquids at paper products ang sanhi ng sunog.

“The fire spread from the first floor through the elevator shaft to the room in which the people were killed,” ani Denisov.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy