Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

16 dumalo sa religious gathering, sapul ng COVID

0 420

Naalarma si Bataan Governor Albert Garcia nang malaman na nakapagtala ng 29 bagong nagpositibo sa COVID-19, kung saan 16 dito ay nagpunta sa religious gathering.

Kaya naman agad na pinag-utos ni Garcia ang pagbabawal sa lahat ng uri ng mass gathering upang hindi na muling maulit pa ang pagkalat ng virus at panawagan na sumunod sa mga protocol.

Ayon kay Provincial Health Officer Rosanna Buccahan, ang 29 na bilang ng bagong kaso ay itinuturing na pinakamataas na naitala sa isang araw mula nang maabot ng virus ang Bataan.

Dahil dito’y tumaas na sa 344 ang kumpirmadong kaso sa lalawigan, 95 dito ay aktibong kaso.

Ang nasabing 16 na nahawaang indibidwal ay dumalo sa isang religious gathering sa isang hotel, isa dito ay mula sa bayan ng Orani, dalawa sa Limay, apat sa Abucay at siyam dito ay mula sa lungsod na ito ng Balanga. (Randy Datu)

Leave A Reply

Your email address will not be published.