Una sa Balita

16 dinampot sa tupada

By
0 204

KANYA-KANYANG takbuhan ang mga nagsasabong nang salakayin ng mga pulis ang isang tupadahan, kungsaan 16 na sabungero ang naaresto sa Valenzue­la City kama­kalwa nang umaga.

Sa report ni Police Chief Inspector Jessie Misal, head ng Station Intelligence Branch, kinilala ang mga hinuli na sina Modesto Toledo, 59; Mervin Roda, 46 ; Leo­poldo Padilla, 65; Joey Arcilla, 31; Romeo Samson, 41; Roberto Felizardo, 46; Chanel Zamora, 36; Jose Pastera, 57; Archie Lumio, 43; Donald Gonzales, 46; Randy Asister, 33; Roberto Duzon, 52; David Garamales, 58; Jojo German, 33; Jonathan Bilaos, 43 at Rico Arvaiz, 45, mga residente ng Dulong Tangke ng nasabing lungsod.

Ayon kay Misal, nakatangap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen kaugnay sa tupada sa boundary ng Brgy. Karuhatan at Malinta.

Base sa reklamo, napakaingay daw sa lugar lalo na kapag nagsisimula nang bitiwan ang mga panabong na manok.

Dahil dito, dakong alas-9:54 nang umaga, ni-raid ng mga tauhan ni Misal ang tupadahan kungsaan kanya-kanyang takbuhan ang mga nagsasabong pero nasakote rin ang 16 na katao.

Nahaharap sa kasong PD 1602 (illegal gambling/tupada) ang mga nahuli.