Una sa Balita

16-anyos na rider pisak sa oil tanker

By
0 19

Walang driver’s license at hindi bihasang magmaneho ang 16-an­yos na rider na kalunus-lunos ang sinapit nang sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang oil tan­ker truck hanggang sa pumailalim at nagulungan kamakalawa ng hatinggabi sa Muntinlupa City.

Pisak ang ulo at ma­tinding pinsalang tinamo sa katawan ang biktimang si John Mark Navarro, nakatira sa Marquez Compound Summit Ville, Barangay Putatan ng nasabing lungsod.

Agad naman sumuko­ ang driver ng tanker truck na si Teddy Guelas Gopis, 48 at naninirahan sa Kaingin, Santa Rosa, Laguna matapos ang insidente.

Abante Hiring – IT dep

Base sa report na natanggap ni Senior Supt. Dante Novicio, dakong alas-12:00 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng National Road, Barangay Putatan ng naturang lungsod.

Lumalabas sa im­bestigasyon base sa kuwento ng mga kaibi­gan ng biktima, kasama nilang nag-iinuman ito dahil kaarawan ng isa sa kanilang kabarkada.

Nagpaalam na bibili lamang ng sigarilyo at hiniram nito ang motorsiklo na pag-aari ng tatay ng isa sa kanilang kainuman.

Ngunit labis silang nagtataka dahil ilang oras na ay hindi pa ito buma­balik at nagulat na lamang sila ng malaman nilang naaksidente ito.

Ayon sa report ng pulisya, papaliko na ang oil tanker na minamaneho ni Gopis at papaliko na sana ito sa isang gasolina­han para mag-deliver ng petrolyo.

Bigla na lamang su­malpok sa tanker­ ang humaharurot na motorsiklo­ ng biktima.

Napag-alaman sa kaanak ng binatilyo na hindi pa ito gaanong marunong magmaneho ng motorsiklo, bukod sa wala itong lisensiya ay wala pa itong suot na helmet.

Kaagad na sumuko ang driver na si Gopis at dinala ito sa tanggapan ng Traffic Bureau ng Muntinlupa City Police.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver habang ito ay nakakulong sa nasabing himpilan ng pulisya.