Una sa Balita

16-anyos huli sa rape ng kapwa bagets

By
0 2,700

Sa bisa ng warrant of arrest, arestado noong Miyerkoles nang gabi ang isang 16-anyos na binata matapos akusahan ito ng kasong pang­hahalay sa isa ring menor-de-edad na babae sa Brgy. Carlatan, San Fernando, La Union.

Sa arrest warrant na ibinaba ni Judge Alpino Florendo, ng San Fernando regional trial­ court (RTC) Branch 30, kinilala ang suspek sa pangalang Ador (hindi tunay na pangalan), ng nasabing barangay.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, ang 16-anyos na suspek ay inakusahan nang panggagahsa sa kanyang kapitbahay.

Sa ngayon ay dinala ang suspek sa Regio­nal Rehabilitation Center for Youth (RRCY) sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa La Union.