Una sa Balita

16-anyos ‘2019 Person of the Year’ ng Time magazine

0 522

Isang 16-year-old Swedish climate activist ang ‘2019 Person of the Year’ ng Time magazine.

Kilala si Swedish climate activist Greta Thunberg sa mga prangkang pahayag niya sa mga world leader.

Inanunsyo sa NBC noong Miyerkoles ang pagkilala sa kanya bilang Time magazine’s Person of the Year ngayong 2019.

Naging viral noong 2018 ang kanyang climate activism.
Noong Setyembre, nagbigay siya ng talum­pati sa UN General Assembly sa Climate Action Summit sa New York City.

Bumiyahe si Thunberg ng halos 14 na araw sa Atlantic Ocean gamit ang zero-emission ­racing yacht para makadalo sa conference.

Sa kasalukuyan, aktibo si Thunberg, na magdi-17 anyos na sa Enero sa mga panawagan ng agarang aksiyon sa aniya’y global climate crisis.(Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy