Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

15M tuturukan sa National Vaccination Day

0 228

Target ng gobyerno na mabakunahan ang 15 milyong Pilipino sa ilalargang tatlong araw na National COVID-19 Vaccination Day simula November 29-December 1, 2021.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang bahagi ng national immunization program ng gobyerno laban sa COVID-19.

“Tatlong araw po ito na gaganapin mula November 29-December 1. Target natin mabakunahan ang 15 milyong katao. Bayanihan ang konsepto natin dito kung saan ang kooperasyon ng lahat ay kailangan,” ani Roque.

Kikilos aniya ang buong ahensiya ng pamahalaan at makakatuwang ang medical community, mga sundalo af pulis, local government units at religious organizations. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.