Una sa Balita

15M kabahayan target pailawan ng NEA

By
0 61

AABOT na sa 83 porsiyento ng may 15 mil­yong kabahayan ang target na mapailawan ng National Electrification Administration (NEA) ang natatapos sa buong bansa.

Ito ay ayon kay NEA Administrator Edgardo Masongsong na dumalo sa pagpapasinaya sa bagong multi-million peso Member Consu­mer Owner Building ng Nueva Ecija 1 Electric Cooperative (NEECO 1) sa Brgy. Malapit, San Isidro, Nueva Ecija kamakalawa.

Maituturing na ‘on-track’ ang rural electrification program at me­ron na lang 2.55 million potential household ang papailawan.

Sa kabuuan ay uma­bot na umano sa 12.45 million na kabahayan ang nakabitan ng kur­yente sa buong bansa hanggang noong Hunyo 30, ani Administrator Masongsong.

Sa unang 6 na buwan ng taong 2018, ang may 121 electric coo­perative na pinamamahalaan ng NEA ay nakapagtala ng 260,224 new connections o 56 porsiyento ng kabuuang 460,000 na bagong consumer na target sa buong taon.

Ayon pa kay Masongsong, karamihan sa nalalabing paiilawan ay sa Mindanao areas, partikular sa Regions 11 at 12.
Binigyang-diin pa ni Masongsong na ang rural electrification ay siyang ‘backbone’ ng ekonomiya ng bansa.

Ayon naman kay NEECO 1 general ma­nager Bonifacio Patiag,­ ang bagong gusali ay para sa maayos na pagsisilbi sa consumer-members ng koopera­tiba na kabilang sa Top Performing Electric Cooperative-Category AAA sa nakaraang 5 taon.