Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

15K J&J bakuna lumapag na sa Samar

0 46

Lumapag na sa Eastern Samar ang aabot sa 15,000 dose ng Johnson and Johnson vaccine.

Inanunsyo ito ni Eastern Samar Governor Ben Evardone, kung saan nagpasalamat siya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa supply ng bakuna.

Aniya, ang Johnson and Johnson vaccine ay unang ituturok sa mga senior citizen para hindi na kailangang bumalik sa mga vaccination site.

Ang J&J ang natatanging COVID-19 vaccine na itinuturok lang ng isang beses para maging fully vaccinated. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.