Una sa Balita

153 tulak, sugalero nalambat sa Pangasinan

0 255

NASA 153 indibidwal na sangkot sa iligal na droga at sugal ang naaresto sa buwang ito, ayon sa Pa-ngasinan Police Provincial Office (PPPO).

Ayon kay PPPO information officer P/Capt. Ria Tacderan, ang pag-implimenta ng One Time Big Time Operation ay nagresulta sa pagkaaresto ng 28 katao na may kaugnayan sa iligal na droga, 59 sa illegal gambling, 24 para sa loose firearms at 42 sa wanted person mula June 3 hanggang 9.

Nasamsam din sa lalawigan ang 51 sachet ng shabu at 14 sachet ng marijuana na may kabuuang market value na P203,867.

Samantala, ayon kay Tacderan, sa pamumuno ni PPPO acting director P/Col. Redrico Maranan, naisilbi ang 103 na search warrant sa iba’t ibang lugar sa nasabing lalawigan

Naaresto rin ang 24 na suspek na lumabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa mga sinagawang checkpoint, nasamsam din ang 22 baril, 274 bala, anim na magazine at 8 pampasabog.

Sa datos, sinabi ng information officer na mayroong 19% na pagbaba sa krimen partikular sa murder-shooting, robbery at pagnanakaw sa lalawigan pumpara sa nakalipas na lingo. (A­llan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy