Una sa Balita

1,500 medical grad isabak na sa giyera vs COVID – Tolentino

0 442

Nais ni Senador Francis Tolentino na i-waive na lang ang licensure examination ng mahigit 1,500 medical school graduates na nakatakdang mag-board exam ngayong Marso 2020 para makatulong ang mga ito sa laban kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ginawa ni Tolentino ang panukala matapos manawagan ang Deparment of Health (DOH) para sa dagdag na mga volunteer doctor at nurse para tumulong sa paglaban sa COVID-19 crisis sa bansa.

“It is urged that these graduates from all the medical schools in the Philippines be authorized to practice medicine and to be registered as doctors, without having to take the Physician Licensure Examination, upon waiver of the same by the Professional Regulation Commission, so that they can immediately be deployed to support the government and local government unit (LGU) hospitals,” pahayag ni Tolentino sa kanyang liham kay Health Secretary Francisco Duque III.

Ang tinutukoy ni Tolentino ay ang Physician Licensure Examination (PLE) na pangangasiwaan ng Professional Regulation Commission (PRC) na nakaiskedyul sa March 8, 9, 15 at 16, 2020.

Mahigit 1,500 medicine graduates ang kumuha ng pagsusulit sa unang dalawang araw subalit ipinagpaliban ang natitirang dalawang araw dahil sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Paliwanag ni Tolentino na nakasaad naman sa Medical Act of 1950 na mga medical student na nakumpleto ang unang apat taon sa kanilang kurso ay maaring nang sumabak sa serbisyo medikal basta may awtorisasyon ito ng Secretary of Health at hindi na kailangan ng certificate of registration.

Sabi ng senador, ginagawa na aniya ito sa Italy kung saan 10,000 medical graduates ang minadali ang kanilang maagang pagseserbisyo para makatulong sa kampanya ng gobyerno laban sa COVID-19. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More