Una sa Balita

150 sultada sa SJC ngayong Miyerkoles

0 549

May 150 sultada ang magpapainit sa grand finals ng “Lakpue Drug Inc. (LDI) Pearl Cup 5-Cock Derby” sa air-conditioned San Juan Coliseum nga­yon, Miyerkoles, Jan. 23.

Liyamado ang 30 kalahok na may dalawang puntos mula sa elims sa Bacolor Cockpit Arena, Imus Sports Arena at SJC.

Malaking grupo ng mga bagong kasali ang magpapasok ng straight five cocks, ani LDI big boss Ricky Castillo.

“A guaranteed prize of P1 million and 125 cc brand new motorcycle awaits the winners and product giveaways of LDI/ free dinner to all participants,” pahayag ni Castillo.

Dahil sa mababang P3,300 entry fee, ang Pearl Cup na nasa ikalawang taon na ay humatak ng higit 200 entries.

Sa detalye: 725-5369 o 0905-201-6057 (Michelle). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy