Una sa Balita

150 sultada sa LPC ‘Big Event’ Derby

0 342

MAAGANG sisimulan sa Las Piñas Coliseum ang AAO Big Event 6-Stag Derby sa Sept. 7 dahil sa dami ng sultada.

Hinayag Sabado ni cockfighting host Gerry Ramos ng Against All Odds, na may 150 bakbakan ang nakalinya at alas-12:00 ng tanghali ang umpisa ng siyapulan

Suportado si Ramos nina Charlie “Atong” Ang, RJ Mea, Reps. Eddiebong Plaza at Sonny Lagon, mga kapwa promoter sa World Pitmaster Cup 9-Stag International Derby sa susunod na buwan sa Resorts World Manila sa Pasay.

Mga locally-banded stag lang ng International Federation of Gamefowl Breeders (FIGBA-Bakbakan) at Pambansang Federation Ng Gamefowl Breeders, Inc. (PFGB, Inc.-Digmaan) ang tatanggapin na may timbang na 1.7 kgs.-2.150 kgs.

Ang ibang stagfest sa LPC: BNTV 9-Stag Derby Finals (2, 2.5, 3, 3.5 at 4 points) sa Aug. 29; FIGBA Bakbakan 9-Stag Derby ng CLPGA sa Aug. 31; LPC 30th Anniversary 5-Stag Derby ni Mayor Vergel Aguilar sa Sept. 9, 12 at 15; at Alexander 4-Stag Derby ni Alex Tobias sa Oct. 16.

Tawagan lang para sa iba pang mga kaalaman si Grace 1 sa 873 1040, 0929 1800 960; Grace 2 sa 0939 1376 455, at Julius sa 0915 3582 076. (Enjel Manato).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy