Una sa Balita

150 nagwelgang Regent worker tinanggal

0 513

Hindi na makakabalik pa sa kanilang mga trabaho ang mahigit-kumulang 150 manggagawa na nagprotesta matapos na magbarikada sa lahat ng planta ng Regent Foods Corp. (RFC).

Ayon kay Nociliado Marvin, pangulo ng Regent Foods Workers Union-PSSLU Local Chapter 441, sa halos mahigit na tatlong linggong pagkakasara ng kompanya dahil sa ginawang pagpoprotesta ng mga mga empleyado ay umaasa pa ang mga nagwelga na makakabalik pa sila sa kompanya sa kabila ng pagbabakante nila sa trabaho at iwanan ang ope­rasyon ng planta.

Gayunman, giit nito na base sa kanilang ginawa at pahayag ng kanilang abogado at human resource department, malamang ay hindi na sila pabalikin pa.

Kabilang dito ang 23 katao na inaresto ng Pasig City Police Station dahil sa iligal na barikada sa main gate ng RFC at sa ginawang pangha-harass, panggugulo at pananakit umano sa mga papasok sanang mga empleyado.

Naganap ang komos­yon sa pagitan ng mga nag-rally na manggagawa at mga tapat na empleyado noong Sabado nang umaga nang pigilan ng una na makapasok ang huli, hanggang sa magkasakitan at batuhan.

Dahil sa komos­yon, 11 ang nasugatang guwardiya sa panig ng Regent habang nasa 23 raliyista ang nahuli dahil sa panggugulo na kasalukuyang nakakulong sa Pasig CPS detention cell at nahaharap sa patong-patong na kaso. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More