Una sa Balita

150 entries sali sa LPC

0 233

NAKALISTA na at may nakaserserbang cockhouses ang 150 entries para bukas, Huwebes, April 18 sa ‘Tatlong Hudyo Huwebes Santo One-Cock Ulutan’ sa air-conditioned Las Piñas Coliseum.

Taunang pasabong at dinadayo ng mga sabungero ang pasabong na ito ni Pidio Recto, kila­lang tagapusta at listador ni Mayor Nene Aguilar.

Taya ang P65,000 sa entry fee na P600 at minimum bet na P3,300.

Ang mga premyo: fas­test win, P10,000; second, P7,000; third, P5,000 at fourth, P3,000.

May P1,000 ang unang 20 winners at P20,000 sa mga three pointer (hati-hati).

Inaabangan din ang 140 sultada sa patok na pasabong sa tag-init, ang ‘Bos Alex Summertime 4-Cock Derby’.

Paderbi ito ni coliseum manager Alex Tobias.

Itinakda lamang sa P9,900 ang entry fee at P6,600 ang minimum bet.

Bukod sa bagong air-con units sa 80 cockhou­ses at loob ng sabungan, may three-storey parking area rin ang LPC at kasya ang 200 kotse. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy