Una sa Balita

150 entries sa Las Piñas ngayon

0 202

DAHIL sa nakalistang 150 entries, maaga ang umpisa ng ‘Bos Alex Fastest Win One-Cock Ulutan’ ngayon, Sabado, Jan. 18 sa fully air-conditioned Las Piñas Coliseum.

Alas-siyete nang umaga ang umpisa ng unang sultada sa pasabong na ito ni coliseum manager Alex Tobias na may premyong P60,000 at entry fee na P600.

Bandang 2pm naman ang sagupaan sa Pitmasters Live kung saan puwedeng makibahagi sa aksyon sa 12 betting kiosks.

May meryenda rin ang LPC ma­nagement sa lahat ng dadalo sa Pitmasters event.

Sa Jan. 28 ang ‘Kaibigan ng Las Piñas 3-Cock Derby’ nina Eddie at Atty. Jerome Alejandro.

Nakalinya naman sa March 11 ang ‘Happy Birthday Papa Mayor 3–cock derby’ ni businesswoman Budjit Aguilar.

Sa detalye: 8873-1040, 0929-1800960 (Grace 1), 0939-1376455 (Grace 2) o 0915-3582076 (Julius). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More