Una sa Balita

150 EMT Wanted sa UAE

By
0 471

ANG National Ambulance Company sa Abu Dhabi, United Arab Emirates ay naghaha­nap ng mga kuwalipikadong Pilipino na magtatrabaho bilang mga emergency medical technician (EMT) upang punan ang kanilang mga bakante na 150 EMT.

Ang nangungunang pre-hospital emergency care provider sa UAE ay tumatanggap ng babae o lalaking aplikante na nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing at nakatapos ng internationally recognized Basic EMT course o kahalintulad na pagsasanay ng hindi bababa sa apat na buwan, at mayroon ng walong buwang karanasan bilang EMT.

Ang mga aplikante ay inabisuhang magpa­rehistro online sa www.eservices.poea.gov.ph at personal na pumunta sa Manpower Registry Division, Window S or T, Ground Floor, Blas F. Ople Bldg., Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyong City ng mga sumusunod na requirement (fastened sa folder at mayroong label na RSF No. 180023-A, pangalan ng aplikante, posisyong inaaplayan, bansa na pagtatrabahuhan at e-registration number)

Ang mga aplikante ay dapat na magsumite ng mga orihinal na dokumento para sa authentication.
Ang deadline sa pagsusumite ng aplikasyon ay sa Enero 31, 2019.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy