Una sa Balita

15 taon nagtago sa murder! Pugante arestado sa Isabela

0 352

SA lalawigan ng Isabela nasakote ang number 1 most wanted person ng Lupao, Nueva Ecija, makaraan ang 15 taon na pagtatago sa batas.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PCol. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija police director, nakilala ang naaresto na si Resty Salvador Villena, 40-­anyos, residente ng Brgy. Linamanan Jones, Isabela, ­na ­nahaharap sa kasong murder.

Nabatid na dakong alas-12:40 ng ­madaling-araw nang lusubin ang kinaroroonan ni Villena sa ­pinagsanib na puwersa ng Lupao Police, katuwang ang mga operatiba ng Jones, Isabela.

Armado ang mga pulis ng warrant of arrest para sa kasong murder na may Criminal Case No. L-17 (03), na inisyu noong Pebrero 10, 2005 ni Hon ­Joselito Cruz Villarozs, Presiding Judge, RTC Br. 39, San Jose City, Nueva Ecija.

Ang naarestong si Villena ay kaagad ibiniyahe patungong Nueva Ecija at kasalukuyan siyang nasa ­Lupao Police Male Custodial Facility. (Jojo Guzman)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More