Una sa Balita

15-taon kulong sa child pornography, trafficking

By
0 387

HINATULAN ng 15 taon pagkabilanggo ng Lapu-lapu City Regional Trial Court 11 ang tatlong katao napatunayang guilty sa kasong qualified trafficking at child pornography noong 2017.

Nabatid na sinuspinde ni Judge Ramon Daomilas ng Branch 11 ang hatol sa dalawang akusado na 15-anyos at ang isa ay 17-anyos dahil pawang mga menor de edad.

Ilalagay umano ang dalawang akusadong menor de edad sa ‘disposition program’, alinsunod sa probisyon ng Republic Act 9344, o Juvenile Justice and Welfare Act.

Habang bukod sa hatol na pagkabilanggo, inatasan rin ang isang akusadong nanay na si Miranda Minglanilla, na magbayad ng multang P500,000, moral damages na P500,000 at P100,000 as exemplary damages dahil sa attempted trafficking at dinagdagan pa ng P50,000 para sa possession ng child pornography.

Nabatid na ang dalawang akusado ay kapwa 17-anyos nang sila ay maaresto at pawang nag-plead ng guilty sa korte kaya kaagad na hinatulan ng korte alinsunod sa plea bargaining.

Sinabi naman ni Cordova Mayor Mary Therese Sitoy-Cho na ang hatol ay hindi lamang panalo ng mga bata ng Cordova kundi ng mga bata sa buong mundo na biktima ng online sexual exploitation.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More