Una sa Balita

15 SSS pensioner, nagantso sa Bacolod

0 260

Nanawagan ang Social Security System (SSS) sa mga pensioner na huwag magpapalakad ng kanilang mga papeles sa fixers lalo na para sa Pension Loan Program na binuksan ng ahensiya noong September 2018.

Ayon sa SSS, 15 mga pensioners ang nabiktima ng mga fixers sa Bacolod branch. Ang raket ng mga f­ixers ay ina-advance nila ang SSS pension loan at itatakbo na nila ang cash cards ng mga pensioners.

Nagsampa na ng kaso ang mga pensioners sa National Bureau of Investigation (NBI) nung April 24.

Sabi ni SSS president and CEO Aurora Ignacio, kailangang maging vigilant ng mga pensioners at iwasan ang mga fixers.

“We urge our retiree-pensioners to be vigilant. Do not transact with nonSSS employees. Those who want to avail of the pension loan must personally apply in our branch offices nationwide,” ani Ignacio.

Ayon sa SSS nasa 41.926 pensioners na ang nangutang sa ilalim ng pension loan program at umabot na ito sa P1.006 bilyon.

Sa Bacolod ang pinakamaraming utang sa ilalim ng pension loan program. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy