Una sa Balita

15 rent-tangay cars, narekober sa QC

By
0 111

Nabawi ng mga ope­ratiba ng pinagsanib na puwersa ng Anti-Carnapping Unit, District Special Operation Unit (DSOU) ng Quezon City Police District (QCPD) at ng PNP Highway Pat­rol Group Task Force Limbas ang 15 na iba’t ibang sasakyan na posible umanong biktima ng rent-tangay scam sa isang malawak na compound sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Chief Insp. Hector Ortencio hepe ng QCPD-ANCAR, nadiskubre ang nasabing mga sasakyan sa tulong na rin umano ng global positioning system (GPS) na nakakabit sa isang Mitsubishi Montero na wala pang plaka maliban sa conduction sticker na NL-1420 na pag-aari ng biktimang si Baltazar Garcia Reyes, 37, negosyante ng Pala-Pala, San Ildefonso, Bulacan.

Pormal na nagtungo sa QCPD-ANCAR ang biktima para humingi ng tulong sa paghahanap hanggang sa kanilang matunton ang nasabing mga sasakyan sa loob ng isang compound sa No.41 A. Katindig St., Brgy. Donya Josefa, Quezon City na pag-aari umano ng isang Teddy Lim.

Subalit ayon naman kay Lim sinabi nitong isinangla lang sa kanya­ ang nasabing mga sasakyan na kinabibilangan ng kulay gray Chevrolet Aveo – TIX-349; Hyundai Starex-conduction sticker MO4610; Foton View-conduction­ sticker­ GA5877; Ford Ecosport­ Titanium-conduction­ sticker 2404; Mitsubishi­ Adventure-PN-AAP-1729; Ford Ecosport PN - ACA-6758; Toyota Grandia GL-conduction sticker YW5745; Suzuki Vitara-conduction sticker UD6657; Chevrolet Duramax Trailblazer-conduction sticker WD0038; Chevrolet Duramax Trailbla­zer-conduction sticker WC5974; Toyota Fortu­ner PN-ADB-8937; Ford Escape PN-TIS-906; Honda Civic PN-ASA – 9210 Mitsubishi Montero Sport-conduction sticker­ NL4266 at Mitsubishi Montero Sport-conduction sticker NL1420.

Ang nasabing mga sasakyan ay dinala na Camp Karingal compound at nanawagan si QCPD Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, sa mga naging biktima ng rent-sangla na magtungo lang para kumpirmahin kung isa sa nasabing mga sasakyan ay kanilang pag-aari.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy