Una sa Balita

15 pulis Caloocan kinasuhan ng PNP

By
0 79

Kinasuhan na ng Philippine National Police (PNP) Internal Affiars Service IAS) ang labinlimang pulis Caloocan na ilegal na nagsagawa ng pagsalakay sa bahay ng isang Gina Erobas sa Caloocan City noong September 7.

Ayon kay PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, kasong grave neglect of duty at less grave neglect of duty ang isinampa kay Police Chief Inspector Timothy Aniway Jr., ang Police Community Precint 4 Commander ng Caloocan PNP.

Habang kasong grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer ang isinampa sa operating team na sina Police Senior Inspector Warren Tano Peralta, PO1 Ariel Furio, PO1 Marvin Poblete, PO1 Sherwin Rivera, PO1 Jay Gabata, PO1 Sampang Sampurna II, PO1 Rene Llanto, PO1 Louie Serrano, PO1 Jaypee Talay, PO1 Ronelio Julaton, PO1 Jay-ar Sabangan, PO1 Jaime Natividad, PO1 Michael Angelo Miguel at PO1 Joey Leaban.

Batay sa resulta ng imbestigasyon ng PNP IAS, kinasuhan si Chief Inspector Aniway dahil sa command responsibility.

Habang dahil sa kawalan ng sapat na dokumento o official order para magsagawa ng operasyon ang naging dahilan para kasuhan ang operating team.

Sa susunod na linggo isasagawa ang pre-hearing sa kaso ng mga pulis.

Bibigyan sila ng 15 araw para idepensa ang kanilang kaso, sakaling hindi ito magawa isusumite na nang PNP IAS kay PNP Chief Ronald Dela Rosa ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa kaso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy