Una sa Balita

15 OFWs sa Qatar, binigyan ng pardon

By
0 162

Iniulat ng embahada ng Pilipinas sa Doha, Qatar na panibagong bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakakulong sa nasabing bansa ang binigyan ng pardon ng Qatari Emir kasabay ng pagdiriwang ng Ramadan ng mga Muslim.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ibinaba ang royal clemency sa 15 Filipinos ni Emir, H.H. Sheikh Tamim bin Hamad Al Thani, sa pagdiriwang ng Holy Month of Ramadan.

“Those granted clemency, as practiced in Qatar, are often those who have served a substantial portion of their sentence. The Emir usually issues pardons twice a year, during Ramadan and the Qatari National Day in December. The granting of pardons during Ramadan is practiced across the Gulf and is usually made around the time or during Eid’l Fitr, which is the celebration of the end of the Holy Month of Ramadan,” ayon sa embahada.

Kasalukuyan namang nakikipag-ugnayan ang mga tauhan ng embahada sa Search and Follow-up Department sa ilalim ng Ministry of Interior para sa pagsasaayos ng papeles para makauwi na ng bansa ang mga nasabing OFWs.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy