Una sa Balita

15 NSA may lineup na

0 245

Ni Lito Oredo

KABUUANG 15 national sports association (NSA) na ang nagpasa ng kanilang pinal na listahan ng mga ilalahok na mga pambansang atleta sa pagho-host ng Pilipinas sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games na sisimulan sa Nobyembre 30 at matatapos sa Disyembre 11.

Bago pa man dumating ang deadline para sa pagsusumite ng kanilang mga atleta sa Hunyo 30 ay nauna nang nakapagpasa ang mga sports na baseball, floorball, ice hockey, ice skating, jiu-jitsu, karatedo, shoo­ting, sailing, softball, soft tennis, underwater hockey, weightlifting,­ wrestling, wushu at ang rowing.

Ipinaliwanag ng Team Pilipinas Secretariat na ang listahan na isinumite ng mga NSA ang kumpirmadong atleta na kanilang isasabak sa isasagawang mga event sa kada dala­wang taong torneo kasama ang nakareserba nitong mga atleta kung sakaling magkaroon ng injury o hindi makalaro ang pangunahing atleta.

“Actually, it is for the accreditation purposes for all our NSAs but siyempre kung sino iyung nasa listahan nila, most probably iyun na ang final name ng athlete na ilalaban nila sa mga nakalagay na event,” sabi ni Team Pilipinas SEA Games head Liza Ner.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy