Una sa Balita

15 koponan sa ‘Building Bridges 2’

By
0 398

LABINLIMANG (15) team, may anim na miyembro bawat isa, ang sasagupa sa “Building Bridges 6-Bullstag Derby Part 2” sa Lunes, Abril 1 sa Pasay City Cockpit.

Kabuuang 90 entries (135 sultada) ang nakalista sa 3-bullstag elims sa Lunes, ayon kina president Nick Crisostomo ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) at Rey Directo ng Rizal Gamecock Breeders Association (RGBA).

May 135 sultada rin sa grand finals sa April 5 (3-bullstag) dahil sa hiwalay na premyong P600,000 para sa team champion. Isponsor ang Sagupaan ­Superfeeds at Complexor 3000.

Ang ibang kasali ay ang Kapampangan Gamefowl Breeders Association, La Union Breeders and Cockers Club, Quezon Breeders Club, United Manila Cavite GBA, Tarlac group ni Rep. Vic Yap, Sagupaan, Excellence, Experto, King Slasher, Thor, Bulacan Breeders Club, Mad Science at Black Rooster.

Nakuha ng UMCGBA ni Doc Ted Macadagdag ang individual at team championship sa ‘Building Bridges 1’ nitong 2018 sa Smart Araneta Coliseum.

Samantala, inihahanda ang “LGBA Wingbanding Team 4-Cock Derby” sa PCC sa Abril 8.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy