Una sa Balita

15 e-jeepney biyahe na sa Alabang-Zapote

By
0 529

Umarangkada na ang may 15 solar electronic-jeepney na may biyaheng Alabang-Zapote bilang bahagi ng modernization program.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra, tuloy na tuloy na ang modernization program ng pamahalaan at inaasahang madaragdagan pa ang mga solar jeepney sa mga susunod na buwan.

Ang mga solar jeepney ay environment-friendly, mayroong GPS, Wi-Fi, CCTVs, automated fare collections system, at USB charging port at kayang magsakay ng 20 pasahero patungo at pabalik ng Alabang-Zapote.

Dagdag pa nito, nasa minimum na P9 na pamasahe at talagang safe para sa mga pasahero kum­para sa mga lumang jeep. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy