15 drug personalities dinampot

By

Labing-lima pang suspek sa iligal na droga ang nadakip ng awtoridad at 24 na pakete ng shabu ang narekober bukod pa sa drug paraphernalias makaraang magsagawa ng anti-illegal drug operation sa mga bayan ng San Rafael, Pulilan, Guiguinto, Balagtas, Bulakan, at Plaridel, pawang sa Bulacan kamakalawa.

Ang mga nadakip ay nakilalang sina Joselito Villena alyas ‘Lake’, William Thein, Oliver Cruz, Alexander De Leon, Lea Coronel, Jerson Belza, Ogie Solis, Ean Christian De Umania, James Lee, Jaypee Carlos, Angelo Angeles, Jayjay Mallari, Ramon Banawa, Dale Baltazar at kanyang kaanak na si Nathaniel Baltazar.

Nakapiit ngayon ang mga nasakoteng sangkot sa droga matapos ipasailalim sa drug test sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office (BPCLO)-Malolos City at kaagad sinampahan ng kasong illegal drugs ang mga suspek.

SHARE