Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

15-anyos tinakasan checkpoint, dedbol

0 164

Patay ang isang 15-anyos na lalaki habang sugatan ang tinedyer din nitong na angkas nang sumemplang ang kanilang sinasakyang motorsiklo matapos humarurot at takasan ang checkpoint sa Quezon City kahapon.

Ayon sa ulat, walang helmet ang dalawa kaya’t gayon na lamang ang takot ng mga ito nang sitahin ng mga pulis sa checkpoint sa kanto ng Banawe at Calamba Street.

Imbes na huminto, tumakas pa ang dalawang lalaki kaya hinabol sila ng mga pulis.

Umabot sa C3 sa Caloocan ang naturang habulan hanggang sa sumemplang sa isang malubak na parte ng kalsada ang kanilang motorsiklo.

Dahil walang suot na helmet, patay ang 15-anyos na lalaki, na siya ring nagmamaneho ng motor. Sugatan naman ang 19-anyos na lalaking angkas.

Nakumpiska naman ang isang caliber .38 na baril mula sa pangyayari, na ayon sa mga pulis ay inihagis ng lalaking angkas habang sila ay hinahabol. Itinanggi naman ng suspek na sa kanya ang baril.

Leave A Reply

Your email address will not be published.