Una sa Balita

15-anyos nalunod sa ilog ng Pangasinan

By
0 402

BANGKAY na nang matagpuan ang isang 15-anyos­ na lalaki sa Patal River sa Dagupan City noong ­Miyerkoles makaraang malunod sa Sinucalan River sa Sta. Barbara, parehong lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ng Dagupan City Police Station (DCPS) ang biktima na si Joshua Vincent Junio Paulino ng Brgy. Leet, Sta. Barbara sa nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon ng DCPS, kasama ng biktima ang dalawa pang kaibigan at nagkayayaang maligo sa Sinuculan River.

Ayon sa salaysay ng mga kalaro ng biktima, ­hindi nila napansin na inanod si Paulino ng malakas na agos ng tubig na papuntang Dagupan City.

Agad na isinuplong sa pulis ang pangyayari kaya’t agad hinanap ang biktima at natagpuan sa parte ng Pantal River sa Dagupan na palutang-lutang at wala nang buhay.

Ang bangkay ng biktima ay dinala na sa sa isang punerarya sa Sta. Barbara.