Una sa Balita

15-anyos na pinagalitan ng nanay sa Catanduanes, nagbaril sa ulo

By
0 4

Nagbaril ng sarili ang isang dalagitang high school student matapos na pagalitan umano ito ng kanyang nanay dahil sa pag-uwi ng dis-oras ng gabi kamakalawa sa bayan­ ng San Andres, Ca­tanduanes.

Ayon sa pulisya, nakiusap ang pamilya ng biktima na huwag ng ilabas sa media ang pangalan nito ng estudyante ng Condor High School.

Base sa inisyal na imbestigasyon na natanggap ng Police Regional Office (PRO) 5 sa Camp Simeon Ola, dakong alas-5:30 ng hapon kamakalawa nang magbaril umano sa ulo ang biktima gamit ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa loob ng kuwarto nito sa Barangay Asgad ng nabatid na bayan.

Abante Hiring – IT dep

Sinubukan pang dalhin­ sa pinakamalapit na ospital ang biktima subalit idineklara na itong dead-on-arrival ng sumuring doktor dahil sa tinamong pinsala sa ulo.

Napag-alaman na bago ang insidente, pinaga­litan umano ang biktima ng kanyang nanay dahil sa pag-uwi nito ng alanganing oras galing sa isang sayawan.

Hindi na umano ­lu­mabas ang dalagita sa kanyang kuwarto at nakarinig na lang sila ng putok ng baril mula sa loob ng kuwarto ng biktima.