Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

15-anyos dakma sa marijuana

0 329

Arestado ang isang Grade 9 student matapos mahulihan ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation sa Dagupan City, Pangasinan noong Miyerkoles.

Nakilala ang suspek sa pangalang “Kulas”, 15-anyos, ng nasabing siyudad.

Sa report ng Dagupan City Police Station, nakatanggap sila ng tip mula sa isang informant, na magbebenta si Kulas ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isang barangay sa nabanggit na siyudad.

Nakumpiska sa estudyante ang may 2.1 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa isang plastic sachet.

Itinurn-over na ang binatilyo sa Women and Children Protection Desk at nakatakdang ilipat sa Department of Social Welfare and Development sa Dagupan City. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.