Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

149 frontliner sa Caloocan nabakunahan na

0 90

Pinangunahan ni Mayor Oscar Malapitan ang maikling programa bago sinimulan ang bakuna sa may 149 na kawani ng Caloocan City Medical Center (CMCC) na may kabuuan 457 na mga empleyado.

Ayon kay CMCC Adminstrator Dr. Fernando F. Santos, inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga health worker na magpapabakuna. Nasa 300 dose ng bakuna ang dumating para sa first batch na tinurukan nito.

Giit ng alkalde, walang gobyernong inilagay sa balag ng alanganin ang mamamayan, kaya tiwala siyang mahusay at garantisado ang Sinovac vaccine na donasyon ng China.

Nauna ng binakunahan noong Lunes ang mga staff at medical worker ng Jose Rodriguez Memorial Medical Center sa Tala, North Caloocan City, isang araw matapos dalhin sa bansa ang Sinovac vaccine mula sa bansang China. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.