Una sa Balita

145 dayuhang sex offender napalayas ng BI

0 539

Umabot sa 145 dayuhang nagkasala sa krimeng sekswal ang naitaboy pa­labas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) sa unang 11 buwan ng 2018.

Sa ulat ng Port of Operation Division ng BI kay Commissioner Jaime Morente, ang bilang ng mga registered sex offen­der (RSO) na tinanggihang makapasok mula Enero hanggang Nobyembre ay bahagyang bumaba kesa sa 165 sex convicts na naharang sa parehong panahon noong 2017.

Ang mga RSO ay tumutukoy sa isang napatunayang nagkasala sa krimeng seks­wal na bumuno na ng sentensiya o nasa ilalim ng probation o parole.

Ang Estados Unidos at iba pang mga bansa ay nagpapanatili ng isang pagpapatala sa sekswal na paglabag na nagpapahintulot sa mga awtoridad na su­baybayan ang mga aktibidad at galaw ng mga nagkasala ng sekswal.

Ang mga RSO na naharang sa mga paliparan ay agad na pinabalik at pinasakay sa unang magagamit na flight sa kanilang port of origin.

“Our immigration law expressly provides for the exclusion of foreigners convicted of crimes involving moral turpitude. The Philippines is off limits to these sex offenders,” ayon pa sa ulat.

Tiniyak ni Morente na ang BI ay magpapatuloy sa matatag nitong kampanya upang pagbawalan ang pagpasok ng mga dayuhang sekswal na nagkasala sa bansa. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy