Una sa Balita

14,000 Honda sablay, pinasoli

0 229

MAHIGIT sa 14,000 unit ng Honda ang kasaluku­yang pinapa-recall para mapalitan ang mga airbag na para sa mga pasaherong uupo sa harap.

Ayon kay Vicenta Balarbar, administration division head ng Honda Cars Philippines sa isang liham kay Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo, inanunsiyo na ng Honda Motor Co. Ltd. Japan ang recall ng iba-ibang sasakyan ng Honda para sa second replacement ng front passenger airbag inflators.

Ang mga apektadong units ay ang Honda Accord na 2003, Honda City ng mga taong 2003 hanggang 2009, Honda Civic ng mga taong 2001 hanggang 2009, Honda CR-V ng mga taong 2003 hanggang 2009, at Honda Jazz ng mga taong 2002 hanggang 2009.

Ayon kay Balarbar, 14,074 units ang apektado at 9,696 sa mga ito ay ang Honda CR-V.

Nagkaproblema sa paggawa ng mga airbag inflator at maari itong mabutas pag kailangan na ito na maaring ikapinsala ng pasahero.

“We deeply apologize for the situation,” sabi ni Balarbar. Pinalitan na ng Honda ang supplier nito ng airbag inflators at papalitan na ng kompanya ang mga inflator ng mga apektadong sasakyan.

Wala namang nai-report ng kaso dahil dito sa Pilipinas ngunit papalitan ng Honda Cars Philippines ang mga airbag inflator ng mga apektadong sasakyan ng libre sa 42 na mga authorized dealer nito. Maaring malaman kung apektado ang inyong sasakyan sa pagtatanong sa mga Honda dealer o sa pagtawag sa hotline 1-800-1000-46632 sy 02-857-7240. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy