Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

14 turista, 2 pa sa Palawan tinamaan ng COVID-19

0 65

Nagpositibo sa COVID-19 ang 16 na katao sa Palawan kung saan 14 dito ay mga turista na bumisita sa Tubbataha Reefs Natural Park sa Puerto Princesa at dalawang tripulanteng Pinoy ng isang yate.

Ayon kay incident management team (IMT) commander Dr. Dean Palanca, kabilang ang mga ito sa 43 na sakay ng yateng bumisita sa nasabing parke.

Nananatili sa quarantine facility sa Puerto Princesa ang mga turista na karamihan ay mga Amerikano at European.
Ipapadala sa Philippine Genome Center ang sample mula sa 10 turista para matukoy ang COVID-19 variant na tumama sa kanila. Magsasagawa rin ang lokal na pamahalaan ng contact tracing para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sinabi ni Palanca na sumakay ng yate patungong Tubbataha ang 43 katao – 23 ay mga dayuhang turista at 20 local crew member – noong Mayo 14. Makalipas ang dalawang araw, isa sa mga turista ang nakitaan ng mga sintomas ng COVID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.