Una sa Balita

14 tulak dinakma sa Maynila

0 196

KALABOSO ang 14 katao na hinihinalang sangkot sa aktibidad ng iligal na droga sa magkakasunod na operasyon na isinagawa sa Pandacan, Maynila.

Ayon sa Manila Police District-Police Station 10, kabilang sa mga naaresto sina Jho-nel Dorero, 21-a­nyos; Ryan John Hizon, 24; John Mark Tenedero, 19; Rosell Bernarte, 40; Reynaldo Quijano, 44; Orestes Mecua, 43; Charo Laguipo, 40; Jed-ryck Yu, 32; Rolando Ramos Jr., 33; Laurenz Jhay Buetre, 18; Airah Agampung, 24; Rohaida Dibaratun, 30; Salma Birua, 18, at isang 16-anyos na dalagita.

Nadakip ang mga suspek sa magkakasunod na buy-bust ope-ration sa Beata St., M­angahan St., Felix Street at Pedro Street sa Pandacan, mula alas-siyete nang gabi ng Hunyo 11 hanggang alas-otso nang gabi ng Hunyo 12.

Nakatanggap umano ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team ng impormasyon kaugnay sa iligal na aktibidad ng mga suspek na sina Quijano, Mecua at Laguipo sa Mangahan St. kaya nagsagawa ng operas-yon ang mga pulis at naaresto ang mga suspek habang nasa aktong nagpa-pot session, na nagresulta rin sa pagkadakip sa walong iba pa nilang kasamahan.

Nagsagawa naman ng follow-up operation ang mga pulis mula sa mga nakuhang impormasyon sa mga naunang naaresto na nagresulta ng pagkakaaresto sa iba pang suspek at narekober ang 60 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng may P400,000.

Nakuha rin ng mga pulis mula sa mga suspek ang P1,500 na buy-bust money, at mga drug paraphernalia.

Sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naares-tong suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy