Una sa Balita

14 pambato sa Senado ipinarada ni Mayor Sara

By
0 1,824

PORMAL nang nagsanib-puwersa ang Hugpong ng Pagbabago (HNP), Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) at Tingog Sinirangan Party-list group sa isang pagtitipon sa Tacloban City kahapon.

Pinagtibay ng tatlong grupo ang kanilang alyansa para suportahan ang mga pambatong kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte na sasabak sa pagka-senador sa 2019 mid-term elections.

Nagkakaisa ng paniniwala sina HNP regional party head at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Lakas-CMD President Martin Romualdez at Tingog Sinirangan Party-list first nominee at Leyte Rep. Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez na mahalagang maipagpatuloy ang mga adhikain ni Duterte.

Sa pagtitipon ay pinangalanan ni Duterte-Carpio ang 14 senatorial candidate na sinusuportahan nito.

Kabilang sa mga ito ang reelectio­nist na sina Sen. Sonny Angara, Cynthia Villar, Aquilino ‘Koko’ Pimentel III, at Joseph Victor ‘JV’ Ejercito, gayundin sina Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Special Assistant to the President Bong Go, mga dating senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla, dating presidential spokesman Harry Roque, Deputy Speaker at Taguig City Rep. Pia Cayetano, dating Philippine National Police (PNP) chief Director Ge­neral Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Maguin­danao Rep. Zajid Mangudadatu, Dr. Willie Ong at dating Presidential political adviser Francis Tolentino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More