Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

14 Omicron carrier naispatan sa NCR, Palawan

0 51

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 14 na kaso ng Omicron subvariant na BA.2.12.1 sa bansa.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media briefing, dalawang kaso ng BA.2.12.1 ang naitala sa National Capital Region (NCR) habang 12 naman mula sa Palawan.

“We have detected 14 individuals with BA.2.12.1. Twelve galing sa Puerto Princesa, dalawa galing sa NCR,” ani Vergeire.

Dalawa umano sa nadale ng naturang Omicron subvariant ay parehong may booster shot subalit nakaranas ng bahagyang sintomas ng virus.

Nakumpleto na ng dalawa ang home isolation noong Abril 21-28 at itinuturing na nakarekober na ang mga ito.

May natukoy na 39 close contact ng dalawa na pawang asymptomatic at inaalam ang estado ng kanilang testing, quarantine at vaccination.

Samantala, 12 kaso naman ng BA.2.12.1 ang mula sa grupo ng mga dayuhang turista at Pilipinong crew na namasyal sa Tubattaha Reef sa Puerto Princesa City, Palawan.

Nabatid na 11 sa kaso ng BA.2.12.1 ay mga dayuhan at ang Pinoy crew ang isa mula sa sinakyan nilang barko. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.