Una sa Balita

14 NPA, 185 Kadamay sumuko sa Bulacan

0 374

Boluntaryong sumuko ang nasa 14 na armadong miyembro ng New People’s Army (NPA) at 185 kasapi ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), sa mga awtoridad sa Camp. Gen. Alejo S. Santos sa Malolos City, Bulacan kamakalawa.

Sa impormasyong nakalap ng Abante sa ilang sumukong NPA at Kadamay member, madami pa umano silang kasamahan na kumikilos sa kabundukan at kapatagan ng Bulacan ang nagpaplano nang boluntaryong sumuko dahil sa Enhances Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno sa mga rebeldeng NPA.

Layon nito na magbigay ng tulong pinansyal para sa pagbabagong buhay, maayos na trabaho at maa­yos nilang pabahay.

Isinuko rin ng mga tio ang anim na iba’t ibang klase ng baril.

Inaasahan naman ng lokal na pamahalaan na madadagdagan pa ang bilang ng mga magbabalik loob na mga rebeldeng NPA sa susunod na mga araw dahil sa magandang plano sa kanila ng gobyerno.

Ito umano ang nag-udyok sa mga rebeldeng nabanggit na itigil na ang armadong pakikibaka para makinabang sa programa ng pamahalaan at muling makapamuhay nang maayos sa lipunan. (Jun Borlongan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy