Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

14 guro sa Bohol sapol ng coronavirus

0 103

Tinamaan ng COVID-19 ang nasa 14 na guro sa sa Tagbilaran City, Bohol.

Dahil dito, sinailalim ang Dr. Cecilio Putong National High School (DCPNHS) sa 14-araw na precautionary lockdown simula noong Pebrero 18. Ayon pa kay Maurine Castano, principal ng nasabing paaralan, karamihan sa mga nahawang guro ay nagtuturo sa Grade 7.

Namamahahagi umano sila ng mga module ng iba’t ibang grade level, at dumadalo sa Learning Action Cell (LAC) session, isang beses kada linggo.

SM food to go Banner Ad

Ang unang pasyente ay hindi umano dumalo sa alinmang LAC session pero nagpakita na ito ng ilang sintomas ng sakit noong Pebrero 6 at pumasok pa rin sa eskuwela noong Pebrero 8 at 9.

Inaalam pa aniya ng mga awtoridad kung saan nakuha ng unang guro ang coronavirus. (Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.