Una sa Balita

14 grupo patok sa party-list eleksyon

0 184

LABING-apat na grupo ang patok sa party-list elections ngayong Mayo 13, ayon sa survey ng Pulse Asia.

Ang 14 party-list ay nakakuha ng higit 2 percent voter preference sa March 23-27 survey kaya’t namumuro na silang makakakuha kahit isang upuan sa Kamara.

Number 1 sa survey ang Bayan Muna na nakakuha ng 8.5 preference rating at sinundan ng Magsasaka na may 6.45 percent.Nasa ikatlo naman ang Gabriela na isa ring kritiko ng administrasyon tulad ng Bayan Muna.

Inokupa naman ng Ako Bicol ang ika-apat na puwesto. Ang kinatawan nilang si Rodel Batocabe ay binaril at napatay sa Daraga, Albay noong Disyembre 2018. Nasa ika-5 puwesto naman ang A Teacher.

Ang iba pang pasok sa Top 14 ay ang Senior Citizens, Buhay, Akbayan, Amin, An Waray, Kalinga, Anakpawis, Cibac at Angkla.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy