Una sa Balita

14 bagyo asahan — PAGASA

By
0 3

Kinakailangang maging handa ang mamamayan dahil bukod sa tag-ulan at La Niña, inaasahan na na magkakaroon ng mga bagyo sa loob ng anim na buwan.

Sinabi ni PAGASA Assistant Weather Services Chief Anthony Lucero na ang Pilipinas ay inaasahang makararanas ng walo hanggang 14 na bagyo mula ngayong buwang ito hanggang sa Nobyembre.

Ayon kay Lucero, nasa “decaying stage” na ang El Niño at inaasahang matatapos sa katapusan ng buwan o sa Hulyo.

Idinagdag pa ni Lucero na base sa kanilang pinakahuling 6-month forecast, karamihan ng lugar sa bansa ay makararanas ng ‘below normal rainfall’ ngayong Hunyo hanggang sa susunod na buwan.