Una sa Balita

14 arestado sa PDEA operations

By
Nagiging karaniwang senaryo na ang ganitong mga patayan sa iba’t ibang sulok ng Maynila katulad ng larawang ito ng tatlong lalaking bulagta sa buy-bust operation ng MPD station 6 sa Dagohoy St. corner Raymundo, Sta. Ana, Maynila. Nakilala ang tatlong suspek sa mga alyas na Totong, Macmac at Boy, na sinasabing bukod umano sa pagbebenta ng droga ay nanghoholdap din umano sa Makati. (Patrick Adalin)
0 2

Tinutukan ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 4-A (CALABARZON) ang ilang drug den sa nakalipas na tatlong araw na serye ng ope­rasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa 14 katao at pagkakakumpiska sa higit 1,000 gramo ng shabu.

Dakong alas-tres kahapon ng madaling-araw nang maaresto ng mga tauhan ni PDEA 4-A Reg. Director Archie Grande sa isang buy-bust operation sa Brgy. Niog 1, Bacoor City, Cavite, ang suspek na si Rodante Isla y Viray. Narekober sa suspek ang 50 gramo ng shabu at buy-bust money.

Binulabog din ng mga operatiba ang drug den ng grupo ni Vhuenson Co @ Venson, sa Claudio Compound Brgy. Lawa, Calamba City Laguna, pasado alas-siyete kamakalawa ng gabi, arestado ang pa­ngunahing suspek at 10 kasama nito na naaktuhang nagpa-pot session. Nakumpiska sa mga suspek ang 20 gramo ng ilegal na droga.

Isang kilong shabu o katumbas ng 1,000 gramo na nagkakahalaga ng P15 milyon ang napasakamay ng mga operatiba matapos malaglag sa entrapment operations sa isang kilalang mall sa Taguig ang suspek na si Gladys Ortega, pasado alas-tres ng hapon nitong Linggo.