Una sa Balita

14 araw quarantine sa mga Pinoy na galing Wuhan

0 287

PINAYAGAN ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kung gusto na ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Wuhan, China at iba pang bansa na apektado ng novel coronavirus na umuwi sa bansa.

Kinakailangan lamang na ­dumaan sila sa 10 hanggang 14 araw na quarantine bago ­payagang umuwi sa kanilang mga pamilya.

Nabatid na nakikipag-ugnayan na rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Chinese government para sa mga OFWs.

Ayon kay POEA Usec ­Brigidon Dulay na bukas ang bansa sa mga Filipino na gustong umuwi pero kinakailangang dumaan sa ­proseso ng quarantine.

Nauna nang sinabi ni ­Presidential Spokesman ­Salvador Panelo na tinitimbang ng gob­yerno ang sitwasyon ­kasunod ng panawagan ng mga Pilipinong na-lockdown sa ­Wuhan City, China na makauwi sa bansa sa harap ng epekto ng coronavirus sa lugar.

“If we can bring them here, then we will bring them here. We will have to do some ­protocols to make sure that if they have the disease they will not spread them. If it’s possible given the ­restriction given by the ­Chinese ­government,” dagdag pa ni ­Panelo. (­Juliet de ­Loza-­Cudia/Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More