Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

14 araw kumayod: Marian pinakamabentang Kapuso pa rin

0 186

Sobrang naa-appreciate ng Triple A management ang masasabing pinaka-prime talent ng ng management na si Marian Rivera dahil sa kasipagan daw nito at napakagaan katrabaho.

Eh, grabe naman nga.

Napag-alaman namin na itong dalawang Linggo (14 araw) na sunod-sunod, kahit na may pandemic pa, inuulan, as in inuulan ng mga endorsement ang Kapuso Primetime Queen.

Two weeks straight na raw talagang halos araw-araw ay may endorsement shoots ito. At ang mga ito pa ay may mga bago at siyempre, mga tuloy-tuloy lang ang renewal sa kanya.

Pangit man sigurong pakinggan dahil given naman na walang may gusto ng nangyayaring pandemic, pero siguro si Marian, masasabi niyang isa sa chapter ng buhay niya na ilu-look back niya ang panahong ito dahil for the longest time, ngayon lang siya napirmi sa bahay.

As in, na-witness niya ang araw-araw na paglaki ng mga anak na sina Zia at Sixto. Naging hands-on mom at wife siya.

At sa buhay may asawa nila ni Dingdong, ngayon lang din sila nagkasama sa bahay ng dire-diretso talaga. At sa kabila nito, nakapag-launch siya ng sariling business at sangkaterbang endorsements nga!

Tuloy-tuloy pa rin siya sa Tadhana bilang host at alam namin, malapit na rin na gumawa siya ng bagong show sa GMA-7.

O, siya na talaga.

Sharon niyabang kredensyal ni Kiko

Pagkatapos na basagin ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang katahimikan sa magiging matinding tapatan sa pagitan ng dalawang mahal niyang lalaki sa buhay, si Senator Tito Sotto at si Senator Kiko Pangilinan sa pagka-Bise Presidente, walang-duda na ang suporta pa rin ni Sharon ay sa kanyang Mister.

Nagpo-post na nga ito ngayon sa kanyang Instagram account, kasunod ang pagsi-share naman niya ng welcome bouquet at notes sa kanya ni Sen. Kiko.

Ipinost niya ang mga credentials at naging deklarasyon ng pagiging kandidato ng asawa at sey niya sa kanyang caption, “Eto po ang mga nagawa nung nag-aaply sa inyong magiging boss niya pag nahalal siyang VP.”

Halos iniisa-isa rin niyang replayan ang mga nagko-comment sa kanyang IG post at nagsasabing iboboto nila si Sen. Kiko as their V.P.

Sanya, Gabbi tuloy ang lambingan

So kumpirmado na nga ang pagbabalik ng isa sa successful primetime series ng GMA-7, ang “First Yaya.”

Ang balita namin, malapit na silang pumasok sa hotel quarantine muli at diretsong lock-in taping na.

Marami ang nagre-request ng magtapos ang first season nito for another season. Pinakinggan naman ng network at heto na nga. Malalaman din natin kung sa ika-second season ay mas lalo pang marami ang magiging adik sa First Yaya.

Same casting pa rin daw kaya masuwerte ang cast nito dahil dire-diretso ang trabaho. Magkakaroon lang daw ng ilang additional characters na papasok.

Leave A Reply

Your email address will not be published.